KAHATI

Ano nga ba ang salitang NAG IISA ?
Diba ikaw lang yung nasa puso nya
mamahalin ng walang kahati
kundi kayo lang dalawa magkasama parati

Bakit iba ang nararamdaman ko
ang hangin na rin ang syang bumulong kung ano ito
totoo nga bang hindi lang ako ang mahal mo?
kundi meron pang nag mamay ari dyan sa puso mo?

ikaw na rin ang nagsabing ako lang at wala ng iba pa
mga matatamis mong salita na matatalinghaga
naniwala pa naman ako sa yo ng lubusan
ngunit napunta lang ang tiwala ko sa kawalan


Minahal mo nga ba ako?
O ako lang tong nagmamahal sayo
halos lahat ng oras inilaan ko
sa pag akalang ganun ka din tulad ko

Sana di ko natagpuan ang isang IKAW
na syang dahilan nitong pusong ligaw
pano pa ako iibig nitong muli?
kung hanggang ngayon lagi akong may KAHATI..